Ang Alintuntunin ng mga Karapatan Pantao (Human Rights Code) ng Ontario
Ang Alintuntunin ng mga Karapatang Pantao sa Ontario [Ontario Human Rights Code] (ang Alintuntunin) ay nagbibigay ng pantay na karapatan at opporunidad, at kalayaan mula sa diskriminasyon. Kinikilala ng Alintuntunin ang karangalan at kahalagahan ng bawat tao sa Ontario. Ito’y umaaplay sa mga lugar ng pagtratrabaho, pabahay, mga pasilidad at mga serbisyo, mga kontrata, at pagiging miyembro sa mga unyon, samahan ng trabaho at bokasyonal.
Sa ilalim ng Alintuntunin, ang bawat tao ay may karapatan maging malaya sa diskriminasyon dahil sa lahi at panliligalig. Hindi ka dapat tratuhin nang naiiba dahil sa iyong lahi o ibang dahilan, tulad ng iyong mga ninuno, kulay, lugar na pinanggalingan, etnikong pinanggalingan, mamamayan, o paniniwala. Ito’y umaaplay sa mga sakop ng Alintuntunin tulad ng sa trabaho, sa eskwelahan, sa mga inuupahang pabahay, o sa mga serbisyo. Kabilang sa mga serbisyong ito ang mga lugar tulad ng mga tindahan at mga mall, mga hotel, mga ospital, mga lugar ng libangan, at mga eskwelahan.
Kapootan panlahi at diskriminasyon dahil sa lahi
Sa Canada, may malalakas na mga batas ng karapatan pantao at mga sistema tumutugon sa diskriminasyon. Mayroon din tayong pamana ng kapootan lahi -- lalo na sa mga Katutubo na tao, at sa ibang mga grupo din, kabilang ang mga Aprikano, Intsik, Hapon, South Asian, Hudyo at Muslim na mga Canadian. Itong pamana ay nagapektosa ating mga sistema at mga istruktura kahit ngayon, at naaapektohan ang mga buhay ng mga tao kinapopootan lahi at lahat ng tao sa Canada.
Inilalarawan ng Komisyon ng mga Karapatang Pantao ng Ontario ang mga komunidad na humaharap ng kinapootang lahi bilang “racialized.” Ang lahi ay gawa ng lipunan. Ibig sabihin nito, binubuo ng lipunan ang mga ideya ukol sa lahi batay samga dahilan na heograpiko, kasaysayan, politikal, ekonomiya, panlipunan, at kultura, at pati na rin itsura, kahit na wala sa mga ito ang magagamit upang pawalang-sala ang pagiging pinakamahusay o ang pagkiling sa isang lahi.
Ang kapootang lahi ay mas malawak na karanasan at kaugalian kaysa sa panlahing diskriminasyon. Ang kapootang lahi ay isang paniniwala na ang isang grupo ay mas mahusay kaysa sa iba. Ang kapootang lahi ay maaaring bukás na ipinapakita sa mga biro, o insulto ukol sa lahi, o mga krimen dahil sa lahi. Ito’y maaari ring mas malalim sa mga kilos, mga paghahalaga, at mga esterotipo na paniniwala. Sa ilan mga kaso, hindi napapansin ng mga tao na mayroon silang mga ganitong paniniwala. Sa halip nito, itong mga mga inaakala a umunlad sa katagalan ng panahon at naging bahagi na ng mga sistema at mga institusyon, at nauugnay sa lakas at pribilehiyo ng dominanteng grupo.
Ang kapootang lahi ay labag sa batas nagpapahayag ng kapootang lahi. Kabilang dito ang anumang kilos, sinasadya o hindi, namay epekto sa isang tao dahil sa kanilang lahi, at nagpapataw ng kahirapin sa kanila at hindi ang mga iba, o ang hindi pagbigay o paglimita ng pagkuha sa mga benepisyo na makukuha ng ibang mga miyembro ng lipunan, sa mga bahagi na sakop ng Alintuntunin. Ang lahi ay kinakailangan lamang maging isang dahilan sa isang sitwasyon upang magkaroon ng diskriminasyon dahil sa lahi.
Ang panliligalig dahil sa lahi ay isang anyo ng diskriminasyon. Kabilang dito ang mga pagpuna, mga biro, pambabastos, pagpapakita ng mga retrato o kilos na nakakainsulto sa iyo, nasasaktan ka o panliliit sa iyo dahil sa iyong lahi o ibang mga dahilan na may kinalaman dito.
Ang diskriminasyon dahil sa lahi ay kadalasan maaaring hindi gaanong mapapansin, tulad ng pagtakda sa iyo sa mga trabahong hindi gaano kanais-nais, o ang hindi magbigay ng pagpapayo at pagsasanay. Ito’y maaari rin nangangahulugan humarap sa mga iba`t ibang pamantayan ng trabaho na naiiba sa ibang mga empleyado, ang hindi bigyan ng apartment dahil mukha kang Katutubo, o humaharap sa kinikilingang usisa ng pulis habang nagmamaneho o ng seguridad bantay sa isang shopping mall.
Diskriminasyon sa sistema dahil sa lahi
Ang diskriminasyon dahil sa lahi ay maaaring mangyari sa antas ng institusyon o sistema, mula sa mga pang-araw-araw na patakaran at mga istruktura na hindi naman talaga sinasadya o dinisenyo upang magdiskrimina. Ang mga huwaran ng kilos, polisiya o mga kaugalian na bahagi ng mga istruktura ng isang organisasyon o isang buong sektor ay maaaring kawalan o mabigo maibalik ang kasalukuyan epekto at pamanang kawalan na makasaysayanng kinapootan dahil sa lahi. Ibig sabihin nito, kahit na hindi mo balak na gawin, ang iyong “normal na paraan ng paggawa ng mga bagay” ay maaaring may negatibong epekto sa mga taong kinapopootan dahil sa lahi.
Halimbawa: Sa sektor ng edukasyon, maaaring kabilang sa sistemikong diskriminasyon ang: pag-estereotipo na naglalagay ng mga estudyanteng kinapopootan dahil sa lahi sa mga programang technical sa halip ng mga programang akademiko. At kapag ang kasanayan sa pag-aasenso ay nagbibigay-diin sa mga sanhi ng kultura at organisasyon na batay sa mga karanasan ng mga Puting guro, ang resulta ay maaaring mas mababa ang bilang ng mga tungkulin bilang ng mga taong naapopootan dahil sa lahi gumaganap ng tungkulin bilang pinuno (tulad ng punong-guro) para sa
Ang pagkilanlan at pagtugon sa diskriminasyon dahil sa lahi
Ang mga organisasyon ay dapat kumilos upang siguraduhin na hindi sila lumalahok, hindi nila tinatanggap o pinahihintulutan na mangyari ang diskriminasyon o panliligalig dahil sa lahi.
Mabuting mag-umpisa sa pagbubuo ng isang matatag na programa laban sa kapootang lahi, na makakatulong na maiwasan at makakatugon sa mga indibidwal at sistemikong anyo ng diskriminasyon dahil sa lahi. Maaaring kabilang dito ang:
- Ang pangongolekta ng numerikong data batay sa lahi, sa mga angkop na panahon
- Pananagot sa kasaysayan ng pagkawalan dahil sa lahi
- Ang pagbalik-aral ng mga polisiya, mga kaugalian, mga paraan ng pagdedesisyon, at kultura sa lugar ng trabaho, para malaman ang mga masamang epekto
- Ang paglagay at pagpapatupad ng mga polisiya at mga programa ng edukasyon tungkol sa kapootang lahi, diskriminasyon, at panliligalig.
Isang protram laban sa kapootang lahi an gawin mas madali para sa organisasyon para magsulong ng pantay-pantay at iba’t iba mga layunin, at gumagawa ng magandang kahulugan sa negosyo.
Para sa karagdagang impormasyon
Ang Polisiya at mga Pamantayan sa Kapootang lahi at Diskriminasyon Dahil sa Lahi ng Ontario Human Rights Commission at ibang mga pahayagan ay makukuha sa www.ohrc.on.ca.
Upang magreklamo – na tinatawag na aplikasyon – kontakin ang Human Rights Tribunal of Ontario sa:
Libreng Telepono: 1-866-598-0322
Libreng matatawagang TTY: 1-866-607-1240
Website: www.hrto.ca
Kung kailangan mo ng legal na tulong, kontakin ang Human Rights Legal Support Centre sa:
Libreng Telepono: 1-866-625-5179
Libreng matatawagang TTY: 1-866-612-8627
Website: www.hrlsc.on.ca