Skip to main content

Sexual and gender-based harassment: know your rights (brochure)

Ang panliligalig sa sekswal at  dahil sa kasarian ay mga uri ng diskriminasyon.  Nakakasakit ito sa karangalan ng isang tao, nararamdaman nilan na hindi sila ligtas, at ipinipigilan sila  na maabot ang kanilang buong kakayanan. Ang sekswal na panliligalig o pang-aasar ng isang tao dahil sa kanilang kasarian,  o sekswal na oryentasyon ay hindi tinatanggap.  Ito’y labag sa batas.

Kadalasan, ang isang taong may kapangyarihan ang nanliligalig, pero maaari rin ito manggaling mula sa mga kauri, kasamahan sa trabaho, atbp. Ang mga babae ay  mas masasalakay dahil kadalasan ay mas mababâ ang kanilang kinikita at mas mababâ ang katayuan nila sa trabaho, at mas malamang na sila tanging naglalaan para sa kanilang mga anak.  Pati ang mga taong may kapangyarihan ay maaaring  biktima ng sekswal na panliligalig.

Ano ang sekswal na panliligalig?

Sa ilalim ng Alintuntunin ng mga Karapatang Pantao [Human Rights Code] ng Ontario, ang sekswal na panliligalig ay ang “pagbigay ng pampainis na puna o pagkilos na nalalaman o dapat nalalaman hindi nagugustuhan.”   Sa ilan mga kaso, ang isang pangyayari ay maaaring sapat na malubha upang maging sekswal na panliligalig.  Maaaring kabilang sa sekswal na panliligalig ang:

  • humingi ng pagtatalik bilang kapalit ng isang bagay, tulad ng pag-alok na pagandahin ang puntos sa pagsusuri, pag-alok na itaas ang suweldo o iasenso sa trabaho, o pigilin gawin ang mga bagay tulad ng mga kinakailangang pagpapaayos sa iyong apartment
  • humiling na makipagtipanan at ang hindi tumatanggap ng “hindi” bilang sagot
  • humingi ng mga yakap
  • gumawa ng mga hindi  kinakailangang , kabilang ang hindi ninanais na paghipo  
  • paggamit ng bastos o nakakainsultong wika o pagpuna na nagbibigay ng estereotipo sa mga dalaga, mga babae, mga binata, o mga lalaki
  • pagtatawag ng malupit na mga pangalan na may kinalalaman sa kanilang kasarian
  • pagpupuna sa itsura ng isang tao (halimbawa, kung sila’y maganda o hindi)
  • pagsasabi o paggagawa ng isang bagay dahil sa palagay mo ang tao ay hindi tumutugma sa mga estereotipo batay sa kasarian
  • pagpaskil o pamamahagi ng bomba, mga sekswal na retrato, mga kartun, bandalismo o iba pang imahe na sekswal  (kabilang  ang online)
  • paggagawa ng mga birong sekswal 
  • pinagmamalaki tungkol sa sekswal na kakayahan
  • pag-aasar batay sakasarian
  • pagkalat ng mga sekswal na bulung-bulungan o tsismis (kabilang ang online).

Ang sekswal na panliligalig ay hindi kailangan sekswal.  Maaari rin may nanggugulo sa iyo dahil iniisip nila hindi ka kumikilos, o  mukha o  nagbibihis   na dapat parang isang lalaki (o batang lalaki) o babae (o batang babae).  

Maaari ka rin guluhin ng mga tao dahil ikaw ay LGBT (lesbian, gay, bisexual, transgender).

Alamin ang iyong mga karapatan

Ayon sa Alintuntunin ng mga Karapatan Pantao ng Ontario [Ontario Human Rights Code], ang bawat tao ay may karapatan maging malaya mula sa diskriminasyon batay sa kasarian  – at kabilang dito ang sekswal na panliligalig. Ang Alintuntunin ay umaaplay sa limang mga “panlipunang” bahagi:  

  • mga serbisyo, mga bagay, at mga pasilidad (kabilang ang edukasyon)
  • pabahay
  • mga kontrata
  • trabaho
  • pagiging miyembro sa mga samahan ng bokasyonal tulad ng mga unyon ng trabaho.

Paminsan-minsan kapag ang isang tao ay nagsalita tungkol sa sekswal na panliligalig, makakaranas sila ng “paghiganti” o parusa.  Ipinagbabawal ng Alintuntunin ang paghihiganti, kabilang ang mga paglaban sa isang tao, labis sa pagsusuri (halimbawa, sa trabaho), pagbubukod sa lipunan ng isang tao sa lipunabn o ibang mga negatibong kilos dahil tinanggihan ng isang tao isang sekswal na pagsulong  o ibang balak (tulad ng paghiling na makipagtipanan).

Halimbawa: Natuklasan ng hukuman na ang isang may-ari ng lupa ay nag-abala sa sekswal na panligalig, paghingi ng pagtatalik, at paghihiganti nang  pinalayas niya isang batang solo na ina dahil tinanggihan ang kanyang pagsulong na sekswal.

Hindi mo kailangan tumutol sa panliligalig para may paglabag, o para mahabol mo ang iyong mga karapatan sa ilalim ng Alintuntunin. Maaaring ikaw ay nasa isang masasalakay na sitwasyon at natatakot magsalita.  Pinabababayaan ng ilan mga tao ang panliligalig dahil nag-aalala sila kung ano ang mangyayari kung sila’y tumutol.  Pero sa mga kasong ito, ito ay sekswal na panliligalig  at labag pa rin sa batas.

Halimbawa: ang Isang tagapamahala ng isang ari-arian at kompanya na tagapamahal ay natuklasan mananagot  sa sekswal na panliligalig sa isang batang nangungupahan dahil sa di-naaangkop na kilos ng tagapamahala sa kanya.  Pati na rin mga hindi kanais-nais na sekswal na puna, sinubukan  niya magpataw isang relasyon makipagkaibigan sa kanya, at  ang kaniyang bukas ang pintuan” polisiya kabilang ang pag-iiwan bukas ang kanyang pintuan sa pasilyo habang siya’y nakikipag-talik.

Ang sekswal na panliligalig ay maaari rin mahiwaga:

Halimbawa:Ang sabi ng hukom na ang isang tagapag-empleyo ay sekswal na nanligalig sa isang empleyado  kapagpaulit-ulit siyang nagsalita tungkol sa itsura nito, at nagsasabi mga bagay na ganito “O, ang ganda mo naman ngayon araw; hindi mo dapat isuot ang damit na iyan, hindi bagay sa iyo; Hindi bagay ang stockings mo sa paldang iyan...”

Ang pagsusulong na sekswal o puna ay maaari rin manggaling  sa mga taong may kapangyarihan:

Halimbawa: Binawi ng Ontario College of Teachers ang lisensiya ng isang 29-taong-gulang na guro dahil siya’y sekswal na nanligalig sa isang babaeng estudyante sa pamamagitan ng e-mail. Ang guro ay gumamit ng ibang pangalan at siya’y nagpadala ng mga mensahe sa estudyanten kabilang ang impormasyon  tungkol sa suot niyasa araw na iyon, kung ano ang kanyang daan patungo sa eskwelahan, at mga sekswal na mungkahi.

Halimbawa: Ang isang nangangasiwang sarhento ng pulis ay humingi ng mga sekswal na pagsulong sa isang mas batang babaeng konstable.  Nang ipinakita ng babaeng konstable na hindi siya interesado, sobrang pinagmasdan ng sarhento ang kanyang trabaho, at inakusahan na wal siyang kakayahan, at tinatawag siya ng “Mrs.” sa halip na “Police Konstable” o “PC” sa harap ng mga kasamahan sa trabaho.

Ang panliligalig ay maaari rin pag-aasar, sa mga eskwelahan at sa marami pang ibang tagpuan.

Halimbawa: Upang saktan ang isang kalaban, sinisimulan ng isang babae ang bulung-bulungan na ang isang babae ay sekswal na walang delikadesa at nakikipagtalik  sa mga lalaki sa likod ng eskwelahan.  

Halimbawa: Isempleyado na mainit ang ulo nagkalat ng bulung-bulungan tungkol sa kanyang babaeng direktor,sinasabi niya na ang direktor ay may relasyon sa presidente ng kompanya at  siya’y nagumpay lamang dahil `natulog siya patungo sa itaas``.

Ano ang iyong magagawa

Kung ikaw o kung may kilala kang ginugulo, maaari mong hilingin ang tao na tumigil at maaari mong hilingin ang isang taong may kapangyarihan na kumilos upang itigil ito.

Ang mga tagapag-empleyo, mga tagapagbigay ng pabahay at mga guro at ibang mga taong nagbibigay ng serbisyo sa Ontario ay may legal na tungkulin kumilos upang iwasan at tugunan ang sekswal na panliligalig at dapat nilang siguraduhin na ginagalang ang mga karapatan pantao, kahit  walang nagsalita tungkol sa mga isyu sa mga karapatan pantao.  

Maaaring protektahan ng mga tagapag-empleyo, mga tagapagbigay ng pabahay, mga guro at iba pa ang mga karapatan pantao at iwasan ang mga paghahabol sa pamamagitan ng:

  • paglagay ng mga pamamaraan sa lugar upang matugunan ang diskriminasyon at panliligalig
  • pagtugon  na mabilis sa mga isyu ng mga karapatan pantao habang sila ay dumadating at pagkuha mga reklamo ng seryoso
  • maglaan ng mga mapagkukunan na magagamit upang tugunan ang isyu/reklamo
  • nagsasabi  sa tao nagreklamo  ang mga gawain upang tugunan ang isyu.

Kung patuloy pa rin ang panliligalig o  hindi ito ina-angkop na tugunan, maaari kang maghabla ng paghahabol sa mga karapatan pantao sa Human Rights Tribunal of Ontario.

Kung sa palagay mo’y lumalalâ ang kilos na paliligalig, o nasa panganib ang iyong kaligtasan, maaari mong kontakin ang pulis.

Para sa karagdagang impormasyon:

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa magagawa mo upang iwasan at tugunan ang panliligalig na sekswal at  dahil sa kasarian, tingnan ang Polisiya sa pag-iwas ng panliligalig na sekswal at panliligalig dahil sa kasarian ng Ontario Human Rights Commission sa www.ohrc.on.ca

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa sistema ng mga karapatan pantao sa Ontario, bisitahin ang:
www.ontario.ca/humanrights

Upang magreklamo ukol sa mga karapatan pantao (tinatawag na aplikasyon), kontakin ang Human Rights Tribunal of Ontario sa:
Libreng Telepono: 1-866-598-0322
TTY: 416-326-2027 o Lbreng Matatawagan:  1-866-607-1240
Website: www.hrto.ca

Kung kailangan mo ng legal na tulong sa isang aplikasyon ukol sa mga karapatan pantao, kontakin ang Human Rights Legal Support Centre sa:
Libreng Telepono: 1-866-625-5179
Libreng Matatawagang TTY: 1-866-612-8627
Website: www.hrlsc.on.ca

Para sa mga polisiya ng karapatan pantao, mga pamantayan at ibang impormasyon at, bisitahin ang Ontario Human Rights Commission sa www.ohrc.on.ca

ISBN/ISSN
PRINT: 978-1-4435-8764-8 | HTML: 978-1-4435-8765-5 | PDF: 978-1-4435-8766-2