Ano ang aking mga karapatan bilang isang buntis na babae?
Ang Alintuntunin ng mga Karapatang Pantao ng Ontario [Ontario Human Rights Code] (ang Alintuntunin) ay isang batas na nagbibigay ng patas na mga karapatan at mga pagkakataon at kumikilala sa karangalan at kahalagahan ng bawat tao sa Ontario. Ginagawa ng Alintuntunin na labag sa batas ang mag-diskrimina laban sa isang tao o manligalig sa kanya dahil sa kasarian, kabilang ang pagbubuntis at pagpapasuso.
Mayroon din proteksyon, batay sa katayuan ng pamilya, dahil sa pagiging nasa isang relasyon ng magulang at anak. Kabilang dito ang pag-ampon ng isang bata. Ang katayuan ng pag-asawa ay sakop din. Paminsan-minsan, ang mga dahilan ito ay nagpapatong-patong sa kasarian.
Labag sa batas na magdiskrimina dahil ang isang babae ay buntis. Labag din sa batas ang magdiskrimina dahil ang isang tao ay buntis dati, nagkaroon ng sanggol, o maaaring buntis.
Mayroon kang karapatang manatili ang iyong trabaho, umupa ng apartment, pumirma ng isang paupahan o ibang kontrata, at kumuha ng mga serbisyo nang walang diskriminasyon dahil sa iyong pagbubuntis. Mayroon ka rin karapatang maging malaya mula sa sistemikong diskriminasyon, na nangyayari kapag ang mga batas o mga polisiya na inaakala ng isang tao na walaang kinikilingan ay gumagawa ng mga hadlang para sa mga babae na buntis, o dating naging buntis, o maaaring magbuntis.
Paano naman ang pagpapasuso?
Mayroon kang mga karapatan bilang isang nagpapasusong ina, kabilang ang karapatang magpasuso sa isang bata sa isang publikong lugar. Wala dapat maghadlang sa iyo na magpasuso sa iyong anak dahil lamang ikaw ay nasa isang publikong lugar. Hindi ka nila dapat hilinging “magtakip,” hindi ka nila dapat istorbohin o hilinging lumipat sa ibang lugar na mas “maingat.”
Saan umaaplay ang aking mga karapatan?
Hindi ka maaaring madiskrimina sa iyong lugar ng trabaho at ng iyong unyon, kung mayroon ka nito. At hindi ka maaaring madiskrimina kapag ikaw ay gumagamit ng mga serbisyo tulad ng mga eskwelahan o sa iyong pabahay. Hindi maaaring tumanggi ang isang may-ari ng lupa na magbigay ng pabahay dahil ikaw ay magbubuntis, buntis, o dati kang buntis at mayroon ng mga anak. Maaaring kabilang dito ang “may sapat na gulang lamang” na mga patakaran sa mga condominium at iba pang mga gusali. Mayroon ka rin karapatang matugunan ang anumang mga pangangailangang may kinalaman sa iyong pagbubuntis sa lahat ng mga lugar na ito, maliban kung magdudulot ng sobrang kahirapan na gawin ito.
Ano ang aking mga karapatan sa trabaho?
Sa isang interview, labag sa batas para sa isang tagapag-empleyo ang magtanong kung ikaw:
- ay buntis
- may pamilya
- planong magkaroon ng pamilya.
Labag din sa batas na ikaw ay sisantihin,ibaba, o itanggal sa trabaho dahil ikaw ay dating buntis, kasalukuyan buntis, o maaaring mabuntis. Mayroon ka rin patas na karapatan sa mga pagkakataon at mga pagasenso, kahit na nagplaplano kang magbuntis, ikaw ay buntis, o dating buntis.
Dapat gawin ng iyong tagapag-empleyo na malaya sa diskriminasyon ang iyong kapaligiran. Mayroon kang karapatan maging malaya mula sa mga insultong puna tungkol sa iyong pagbubuntis mula sa iyong tagapag-empleyo, mga kasamahan sa trabaho at mga kliyente. Mayroon ka rin karapatang matugunan ang mga pangangailangan na may kinalaman sa pagbubuntis. Maaaring kabilang dito ang mas maraming pahinga sa pagpunta sa banyo o mga pagbabago sa iyong mga tungkulin sa trabaho habang buntis.
Pagkatapos ipanganak ang iyong sanggol, dapat matugunan ng iyong tagapag-empleyo ang anumang mga pangangailangang mayroon ka para sa pagpapasuso o pagpapalabas ng gatas para sa iyong anak.
Ano ang aking mga karapatan sa mga serbisyo?
Ang mga serbisyo ay dapat ibigay nang malaya sa diskriminasyon. Ito’y umaaplay sa mga lugar tulad ng:
- mga restawran at mga café
- mga tindahan at mga mall
- mga eskwelahan
- mga parke
- publikong transportasyon.
Ang pagsama-sama magtrabaho upang matugunan ang mga pangangailangan sa pagbigay-tulong
Ang pabahay, mga serbisyo at trabaho ay dapat idisenyo upang isali ang mga babae na kasalukuyang buntis, dating buntis, o maaaring buntis. Ikaw at ang iyong tagapag-empleyo, tagapagbigay ng pabahay, o tagapagbigay ng serbisyo ay dapat magtulong-tulungan maghanap ng paraan matugunan ang iyong mga pangangailangan. Kung mayroon kang mga medikal o ibang tanging pangangailangan, may tungkulin ka ipaliwanag ang mga pangangailangan nito. At ikaw naman, kung kinakailangan,y maaaring hilingin ng tagapag-empleyo o tagapagbigay ng pabahay na magbigay ng nagsusuportang medikal na impormasyon upang mas maunawaan kung ano ang kailangan mo at kung gaano katagal (pero hindi ka karaniwan kinakailangang magbigay ng mga detalye tungkol sa mga medikal na kondisyon).
Paano naman ang aking mga tanging pangangailangan?
Maaaring mayroon kang mga tanging pangangailangan dahil nais mong mabuntis, ikaw ay buntis, o dahil kakapanganakmo lamang. Ang mga espesyal na pangangailangan ay maaari ring mangyari mula sa:
- mga problema mula sa iyong pagbubuntis o panganganak
- paglaglag
- pagpapalaglag
- pagkamayabong na paggamot
- makatwirang panahon ng pagbawi mula sa panganganak o kapanganakan ng patay
- pagpapasuso ng iyong anak
- pagluluksa
Ang mga tagapag-empleyo at mga tagapagbigay ng serbisyo ay may legal na tungkuling tulungan ang mga babae na may mga tanging pangangailangan dahil sa pagbubuntis. Ang kaisa-isang kataliwasan ay kung ang pagbigay-tulong ay magbibigay ng sobrang kahirapan. Ito’y isang legal na pagsusuri at kinakailangan patunayan ng tagapag-empleyo na ang pagbigay ng tulong ay sobrang magastos, o na ito’y nagdudulot ng malubhang problema sa kalusugan at kaligtasan.
Iba pang mga batas na may kinalaman sa trabaho
Ang Batas ng mga Pamantayan sa Trabaho 2000 [Employment Standards Act 2000] ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa iyong karapatang magbuntis at magbakasyon bilang magulang. Ang Employment Standards Branch ng Ministri ng Trabaho (1-800-531-5551) ay makapagbibigay sa iyo ng karagdagang impormasyon tungkol sa mga pamantayan sa trabaho.
Ang Human Resources and Skills Development Canada ng pederal na pamahalaan (1-800-206-7218) ay makapagbibigay sa iyo ng impormasyon tungkol sa benepisyo sa pagseseguro sa pagtratrabaho habang ikaw ay nasa bakasyon sa panganganak at magulang.
Para sa karagdagang impormasyon
Ang Polisiya sa Diskriminasyon Dahil sa Pagbubuntis at Pagpapasuso ng Komisyon ng mga Karapatang Pantao ng Ontario [Ontario Human Rights Commission] at ibang mga pahayagan ay makukuha sa www.ohrc.on.ca.
Upang gumawa ng reklamo ukol sa mga karapatang pantao – na tinatawag na aplikasyon – kontakin ang Human Rights Tribunal of Ontario sa:
Libreng Telepono: 1-866-598-0322
Libreng matatawagang TTY: 1-866-607-1240
Website: www.hrto.ca
Kung kailangan mo ng legal na tulong, kontakin ang Human Rights Legal Support Centre sa:
Libreng Telepono: 1-866-625-5179
Libreng matatawagang TTY: 1-866-612-8627
Website: www.hrlsc.on.ca