Skip to main content

Human rights and family status (brochure)

Ang Alintuntunin ng mga Karapatang Pantao (Human Rights Code) ng Ontario

Ang Alintuntunin ng mga Karapatang Pantao sa Ontario [Ontario Human Rights Code] (ang Alintuntunin) ay nagbibigay ng patas na mga karapatan at pagkakataon, at kalayaan mula sa diskriminasyon batay sa iba’t-ibang mga dahilan. Kinikilala ng Alintuntunin ang karangalan at kahalagahan ng bawat tao sa Ontario, sa pagtratrabaho, pabahay, mga pasilidad at mga serbisyo, mga kontrata, at pagiging miyembro sa mga unyon, kalakalan o samahan ng bokasyonal.  

Prinoprotektahan ka ng Alintuntunin mula sa diskriminasyon sa mga lugar na ito batay sa iyong katayuan ng pamilya.

Ano ang katayuan ng pamilya?

Inilalarawan ng Alintuntunin ang “katayuan ng pamilya” bilang “pagiging nasa isang relasyon ng magulang at bata.” Ito’y maaari rin nangangahulugang isang “uri" ng relasyon ng magulang at bata, na maaaring hindi batay sa dugo o pag-ampon, pero batay sa pangangalaga, pananagutan, at pangako.  Ang ilan sa mga halimbawa ay ang pangangalaga ng mga magulang sa mga bata (sa pamamagitan ng pag-ampon, anak-anakan, at amain/inahin), pangangalaga ng mga tao para sa mga tumatandang magulang o mga kamag-anak na may mga kapansanan, at mga pamilya na pinamumunuan ng lesbian, bakla, bisexual o transgendered na mga tao.

Ang pag-iwas ng diskriminasyon

Bilang unang hakbang sa pag-iwas ng diskriminasyon, kailangang kilalanin ng mga tagapag-empleyo, mga tagapagbigay ng serbisyo, mga may-ari ng lupa at ng publiko ang mga isyu sa mga karapatang pantao batay sa katayuan ng pamilya. Kung ang kanilang mga pangangailangan ay hindi kinikilala o sinusuportahan, ang mga tagapag-alaga ng pamilya ay karaniwang humaharap ng mga hadlang sa pagkuha ng pabahay, mga trabaho, at mga serbisyo.

Ito’y lalong nakakaapekto sa mga kababaihan na nagbibigay ng karamihan sa pangangalaga sa ating lipunan, at mga pamilya na mababâ ang kinikita, na maaaring walang mga sigurong trabaho at nahihirapang makakuha ng mga abot-kayang serbisyo o pabahay.

May panahon sa ating buhay karamihan sa atin ay mangangailangan magbigay o makakatanggap ng pangangalaga at kakailanganin natin matugunan ang ating mga karapatan sa katayuan ng pamilya.

Ang mga tagapagbigay-alaga sa pamilya ay protektado rin mula sa diskriminasyon at panliligalig na may kinalaman sa ibang mga bagay ng Alintuntunin, kabilang ang kapansanan, katayuan ng kasal, kasarian (pagiging buntis, pagpapasuso, pagkakilanlan ng kasarian), sekswal na oryentasyon, lahi, kulay, ninuno, relihiyon, edad at pagtanggap ng tulong panlipunan (sa pabahay). Ang proteksyon na ito ay umaaplay kahit na ang tagapagbigay-alaga ay may kaugnay lamang sa taong kinilala dahil sa isa sa mga dahilang ito.  

Isang halimbawa ay ang isang taong nakatira at nagbibigay-alaga sa isang kamag-anak na may kapansanan sa pagkilos.  Siya’y itinakwil ng isang may-ari ng lupa na natatakot dahil maaari siyang humiling ng mga upgrade sa apartment para sa madali makarating.  Ang lalaki ay magde-demanda ng diskriminasyon batay sa kanyang pakikipanayam sa isang taong may kapansanan.

Ang iba pang mga halimbawa ng mga taong maaaring humarap ng reklamo ukol sa mga karapatang pantao batay sa katayuan ng pamilya (at iba pang mga dahilan) ay:

  • Isang ina na hindi makahanap ng pabahay dahil ayaw magpaupa ang mga may-ari ng lupa sa mga babaeng may mga anak at walang asawa
  • Isang magulang na may isang anak na may kapansanan nawalan ng trabaho dahil ayaw siya bigyan ng kanyang tagapamahala ng nababagay sa pangyayarinababagay sa pangyayariiskedyul na nababagay sa pangyayari sa trabaho upang madala niya ang kanyang anak sa mga medikal na tipanan sa mga oras ng trabaho
  • Ang isang babae ay hindi iasensoiasenso dahil sa paniwala ng kanyang tagapamahala na ang mga ina ay hindi dedikado sa kanilang trabaho
  • Ang bata na ang mga magulang ay naghahati ng pangangalaga, at na nangangailangan ng serbisyo nababagay sa pangyayarinababagay sa pangyayari ng bus ng paaralan
  • Isang malaking extended na imigranteng pamilya na humaharap ng mga hadlang sa pabahay dahil sa bilang ng mga taong nasa kanilang bahay
  • Isang pamilya na hindi binigyan ng pabahay dahil sila’y bata at tumatanggap ng tulong panlipunantulong panlipunan
  • Isang bakla o lesbian na tagapagbigay-alaga na tinanggihang ang karapatan bumisita sa nasa ospital na anak o magulang ng kasama, o nangangailangan ng leave of kawalan mula sa trabaho upang alagaan ang taong iyon. 

Trabaho at katayuan ng pamilya

Ang mga taong nasa magulang-anak na relasyon ay may karapatang makakuha ng patas na pagtrato sa lugar ng trabaho.  Hindi maaaring magdiskrimina ang mga tagapag-empleyo sa pag-upaupa, pag-iasenso, pagsasanay, benepisyo, mga kondisyon sa lugar ng trabaho o pagtigil sa trabaho dahil ang tao ay nag-aalaga  sa isang kapamilya.  

Maaaring maling isipin na ang mga taong nagbibigay ng pangangalaga sa pamilya ay hindi kasing husay, dedikado, o ambisyoso tulad ng iba – kadalasan dahil sa mga estereotipo sa kasarian – at maaaring hindi ma-iasenso, bigyan ng mga pagkakataon upang matuto, at bigyang-dangal. Sa mga lugar kung saan ang mga istruktura sa lugar ng trabaho, ang mga polisiya, mga pamamaraan o kultura ay hindi sinasali o kawalan sa mga taong na may mga pananagutan sa pagbigay-alaga, ang mga empleyado ay may legal na tungkulin isaalang-alang ang mga pagbabago upang tugunan ang mga pangangailangang ito. Ito’y tinatawag na tungkuling magbigay-tulong.

Ang ilang mga halimbawa ng pagbigay-tulong ay:

  • Pagbigay ng iskedyul nababagay sa pangyayarinababagay sa pangyayari
  • Pagpahintulot sa mga empleyado na kumuha ngkawalan upang alagaan ang mga miyembro ng pamilya na tumatanda, may sakit, o may kapansanan
  • Pahintulutan ang alternatibong kaayusan sa trabaho.

Ang gumawa ng isang nababagay sa pangyayari at inklusibong lugar ng trabaho ay kinabubuti para sa lahat ng mga empleyado, at makakatulong sa mga tagapag-empleyo na mag-upa, manatili, at kunin ang pinakamahusay na posibleng pagganap mula sa mga nagtatrabaho.

Pabahay at katayuan ng pamilya

Ipinagbabawal ng Alintuntunin ang tagapagbigay ng pabahay na magdiskrimina laban sa mga pamilya na may mga anak o mga tao na may relasyon sa mga tagabigay-alaga.  Ito’y umaaplay sa pagrenta, pagpapaalis, mga patakaran at mga regulasyon ng gusali, pagpapaayos, at paggamit ng mga serbisyo at mga pasilidad.

Hindi maaaring tanggihan o pahinain ang loob ng mga may-ari ng lupa ang mga aplikasyon mula sa mga pamilyang may mga anak dahil sa kanilang paniniwala na ang mga anak ay maingay o maninira ng ari-arian, halimbawa sa pamamagitan ng paggamit ng mga salita tulad ng “tahimik na gusali,” “hindi may kontra ingay” o “pamumuhay na may sapat sa gulang.” Habang ang mga magulang ay inaasahang pamahalaan ang ingay ng kanilang mga anak at na maging mahusay na mga kapitbahay, ang mga pamilya ay hindi maaaring guluhin o paalisin dahil sa karaniwang ingay na ginagawa ng mga anak.  Ibang mga polisiya sa pagpapaupa na gumagawa ng mga hadlang sa mga pamilyang may mga anak at na ipinagbabawal sa ilalim ng Alintuntunin ay kabilang:

  • Mga nagkataon pagsaklaw na pamantayan, tulad sa ilan mga anak ang maaaring manirahan sa yunit
  • Mga polisiya na hindi nagpapahintulot sa mga pamilya na lumipat sa ibang mga apartment  kapag nagbago ang kanilang mga kailangan
  • Mga paghihigpit sa pagpunta ng mga bata sa mga lugar  na libangan o lugar para sa lahat.

Ang mga may-ari ng lupa at ibang mga nangungupahan ay hindi dapat magdiskrimina laban sa sinumang nangungupahan (o taong nag-aaplay na umupa) dahil sila ay nagbibigay o tumatanggap ng pangangalaga. Ang isang part-time na magulang, nag-iisang magulang, isang buntis na ina, mga pamilyang tumatanggap ng tulong panlipunan at mga pamilya na may mga miyembro na may kapansanan, matatanda, lesbian, bakla o racialized ay may karapatan na makakuha ng patas ng opportunidad na pabahay at kasiyahan.

Kailangan ang mga may-ari ng lupaay:

  • Pumili ng mga nangungupahan na patas
  • Suportahan ang pangangailangan sa tulong ng lahat ng uri ng mga pamilya at mga tagabigayalaga
  • Tanggalin ang mga hadlang
  • Aktibong siguraduhin na ang mga nangungupahan ay hindi ginugulo.

Ang mga polisiya pati  mga pasilidad at gusali ay maaaring kailangang baguhin upang matugunan ang mga pangangailangan nito at pagtibayin ang mga karapatang pantao.

Ang mga serbisyo at katayuan ng pamilya

Ang mga indibidwal ay maaring humarap ng mga hadlang at diskriminasyon dahil sa kanilang katayuan ng pamilya kapag sila’y gumagamit ng mga serbisyo at mga pasilidad. Dapat malaman at  mabigyan-pansin ng mga tagapagbigay ng serbisyo ang mga tanging pangangailangan ng mga tagapagbigay-alaga at ang kanilang mga pamilya.  Ito’y umaaplay sa mga sektor tulad ng mga restawran, mga tindahan, mga hotel, at mga sinehan.  Ito’y umaaplay rin sa mga eskwelahan, transportasyon, libangan, mga panlipunang serbisyo, at iba pang mga serbisyo.

Mga halimbawa ng pagbigay-tulong sa katayuan ng pamilya kabilang ay:

  • Mga pasilidad na magagamit ng bata at stroller
  • Swimming pool at iba pang mga iskedyul ng libangan batay sa layunin, hindi sa edad
  • Mga polisiya sa pagpunta ng restawran
  • Mga programa nababagay sa pangyayari para sa digri ng estudyante
  • Inklusibong mga patakaran para sa mga pagbibisita sa ospital.

Ang mga espesyal na programa para sa mga tao, batay sa kanilang katayuan ng pamilya ay pinahihintulutan kung sila’y itinayo upang tanggalin ang kawalan o itaguyod ang patas na pagkakataon.

Ang tungkulin na tumulong

Sa ilalim ng Alintuntunin, ang mga tagapag-empleyo, mga unyon, mga may-ari ng lupa, at mga tagapagbigay ng serbisyo ay lahat may legal na tungkulin na tumulong batay sa katayuan ng pamilya ng isang tao. Ang layunin ay ang pahintulutan ang mga empleyado, mga nangungupahan, mga mamimili, at mga kliyente na patas na benepisyo mula sa at paglahok sa lugar ng trabaho, pabahay, mga pasilidad at mga serbisyo hanggang sa sobrang kahirapan.  Ito’y isang legal na pagsusuri at kailangan patunayan ng tagapag-empleyo, unyon, may-ari ng lupa o tagapagbigay ng serbisyo na ang pagbigay ng tulong ay sobrang magastos, o na ito’y nagdudulot ng malubhang problema sa kalusugan at kaligtasan.

Ang pagbigay-pansin at tulong ay pananagutan ng lahat. Ang lahat ng kasangkot dito ay dapat magbahagi ng mahalagang impormasyon sa isa’t-isa at magkasamang maghanap ng mga solusyon.  Walang takdang formula. Ang pagbigay-tulong ay maaaring magbenepisyo sa marami, pero dapat isaalang-alang ang mga indibidwal na pangangailangan bawat beses.

Marami sa mga tulong na ito ay madaling gawin, kaunti  o walang gastos.  Kahit na ang pinakamahusay solusyon ay maaaring magdulot ng sobrang kahirapan, mayroon pa rin tungkulin gumawa ng pinakamahusay na hakbang  hanggang nagkaroon ng mas mahusay na solusyon.

Bilang isang taong may mga pangangailangan sa katayuan ng pamilya:  Sabihin sa iyong tagapag-empleyo, unyon, may-ari ng lupa, o tagapagbigay ng serbisyo kung ano ang iyong mga pangangailangan na may kinalaman sa iyong katayuan ng pamilya, nagbibigay ng nagsusuportang impormasyon, kung kinakailangan, at tumulong  maghanap ng mga posibleng solusyon.

Bilang isang tagapag-empleyo, unyon, may-ari ng lupa, o tagapagbigay ng serbisyo:  Tanggapin nang nagmamagandang loob ang mga kahilingan para magbigay-tulong  Humingi lamang ng kinakailangang impormasyon, at panatilihing lihim ang impormasyon na ito. Maghanap ng solusyon sa pinakamadaling panahon, at sa maraming sitwasyon, - isakop ang mga gastos, kabilang ang anumang opinyon ng eksperto o mga kinakailangang dokumento.

Para sa karagdagang impormasyon

Ang Polisiya at mga Pamantayan sa Diskriminasyon Dahil sa Katayuan ng pamilya at ibang mga pahayagan ng Ontario Human Rights Commission ay makukuha sa www.ohrc.on.ca.

Upang gumawa ng reklamo ukol sa mga karapatang pantao – na tinatawag na aplikasyon – kontakin ang Human Rights Tribunal of Ontario sa:
Libreng Telepono: 1-866-598-0322
Libreng matatawagang TTY: 1-866-607-1240
Website: www.hrto.ca

Kung kailangan mo ng legal na tulong, kontakin ang Human Rights Legal Support Centre sa:
Libreng Telepono: 1-866-625-5179
Libreng matatawagang TTY: 1-866-612-8627
Website: www.hrlsc.on.ca

ISBN/ISSN
PRINT: 978-1-4435-8571-2 | HTML: 978-1-4435-8572-9 | PDF: 978-1-4435-8573-6
Attachments

File name File size Actions
Human rights and family status_Tagalog_accessible.pdf 892.08 KB Download
Attachments