Skip to main content

Gender identity and gender expression (brochure)

Ang Alintuntunin ng mga Karapatang Pantao (Human Rights Code) ng Ontario

Ang Alintuntunin ng mga Karapatang Pantao sa Ontario [Ontario Human Rights Code] (ang Alintuntunin) ay nagbibigay ng patas na karapatan  at opportunidad, at kalayaan mula sa diskriminasyon. Kinikilala ng Alintuntunin ang karangalan at kahalagahan ng bawat tao sa Ontario, sa pagtratrabaho, pabahay, mga pasilidad at mga serbisyo, mga kontrata, pagiging miyembro sa mga unyon, trabaho o samahan ng propesyonal.

Ang mga taong nadidiskrimina o ginugulo dahil sa kasarian pagkakilanlan ay legal na protektado sa ilalim ng kasarian. Kabilang dito ang transsexual, transgender at intersex na mga tao, cross-dressers, at iba pang mga tao na ang kasarian pagkakilanlan o pagpapahayag ay naiiba mula sa kanilang kasarian nang sila’y ipinanganak.

Ano ang kasarian pagkakilanlan?

Ang kasarian pagkakilanlan ay kaugnay ng pakiramdam ng isang tao tungkol sa sarili, at ang karamdaman ng pagiging lalaki o babae. Ang kasarian pagkakilanlan ng isang tao ay naiiba mula sa kanyang sekswal na oryentasyon, na siya rin ay protektado sa ilalim ng Alintuntunin.  Ang kasarian pagkakilanlan ng mga tao ay maaaring naiiba mula sa kanilang kasarian na itinakda nang sila’y ipinanganak, at maaaring kabilang dito ang:  

Trans: Ang mga tao na ang karanasan sa buhay ay nabubuhay ng mahigit sa isang kasarian. Maaaring kabilang dito ang mga tao na nakilanlan na transsexual, at mga tao na naglalarawan sa kanilang mga sarili  nasa isang “kasarian isprekto” o nakatira sa labas ng mga kategoriya ng “lalaki” o “babae.”

Transsexual: Ang mga tao na kinilala bilang isang kasarian nang sila’y ipinanganak, pero na kumikilala sa kanilang sarili nang naiiba.  Maaaring anaghahanap sila o nagpapasailalim sila ng isa o higit pang mga medikal na pagpapagamot upang iakma ang kanilang mga katawan sa nararamdaman nilang pagkakilanlan sa loob nila, tulad ng hormone therapy, sex-reassignment surgery, o iba pang mga pamamaraan.

Intersex: Ang mga tao na hindi madaling uri-uriin bilang “lalaki” o “babae”, batay sa kanilang pangkatawang katangian sa kapanganakan o pagkatapos ng pagkababae o pagkalalake. Ang salitang ito ay pumapalit sa hindi magandang salitang “bakla.”

Crossdresser: Isang tao na, dahil sa damdamin at sikolohiya kagalingan -- ay nagbibihis sa mga kasuotankaraniwang kaugnay ng “kabilang” kasarian,  

Trans: Isang pangkalahatang salita na ginagamit upang ilarawan ang mga indibidwal na, sa iba’t-ibang grado, hindi tumutugma sa karaniwang inalalarawan ng lipunan bilang isang lalaki o babae.

Diskriminasyon at panliligalig

Ang diskriminasyon dahil sa kasarian pagkakilanlan ay anumang kilos batay sa kasarian ng isang tao, may intensyon man o wala, na nagpapahirap sa isang tao o grupo at hindi sa mga iba, o na hindi nagbibigay o naglilimit ng pagkuha sa mga benepisyo na makukuha ng ibang mga miyembro ng lipunan. Ito’y maaaring madaling makita o pasimple lamang. Ang diskriminasyon ay maaari rin mangyari sa mas malaking sistematikong antas, tulad ng kung ang isang patakaran o polisiya ay mukhang walang kinikilingan, pero hindi dinisenyo sa isang inklusibong paraan.  Maaari itong makapinsala sa mga karapatan ng mga tao dahil sa kanilang kasarian pagkakilanlan.

Ang panliligalig ay isang anyo ng diskriminasyon. Kabilang dito ang mga puna, mga biro, pambabastos, o kilos o pagpapakita ng mga retrato na nag-iinsulto o nagpapababâ sa iyo dahil sa iyong kasarian pagkakilanlan.  

Walang taong dapat tratuhin nang naiiba habang nasa trabaho, sa eskwelahan, sumusubok na umupa ng isang apartment, habang kumakain sa isang restawran, o sa anuman ibang panahon dahil sa kanyang kasarian pagkakilanlan.

Halimbawa: Sumagot ang isang transsexual sa isang paanunsyo para sa isang apartment. Sinabi ng patnugot na walang mga yunit na makukuha kahit na mayroon.  

Halimbawa: Sinabi ng isang empleyado sa kanyang tagapamahala na siya'y nagko-kross-dress. Sinabi ng kanyang tagapamahala na hindi na siya magiging bagay para ma-iasenso o para ipagsasanay sa trabaho dahil hindi magiging komportable sa kanya ang mga mamimili at mga kasamahan sa trabaho.  

Ang mga organisasyon ay hindi maaaring magdiskrimina, dapat tumugon sa mga reklamo ng panliligalig, at dapat magbigay ng isang hindi nagdidiskriminang kapaligiran para sa mga trans. Ito’y umaaplay rin sa "mga pangatlong partido” tulad ng mga taong gumagawa ng kinontratang trabaho o regular na nakikipag-ugnayan sa organisasyon. Ang mga indibidwal ay dapat kilalanin bilang kasarian na ginagamit nila, at mabigyan ng paggamit sa mga banyo at lugar kung saan magpapalit ng kasuotan, maliban kung tiyak nilang hiniling ang ibang pagbigay-tulong (dahil sa kaligtasan o pagka-pribado).  

Ang tungkulin na magbigay-tulong

Sa ilalim ng Alintuntunin, ang mga empleyado, mga unyon, mga may-ari ng lupa, at mga tagapagbigay ng serbisyo ay may legal na tungkulin magbigay-tulong sa mga tao dahil sa kanilang kasarian pagkakilanlan. Ang layunin ng pagbigay-tulong ay pinahihintulutan ang mga tao na patas magbenepisyo at lumahok sa mga serbisyo, pabahay, o lugar ng trabaho.

Ang pagbigay- ulong ay pananagutan ng lahat. Ang lahat ng kasangkot, kabilang ang taong humihingi ng pagbigay-tulong, ay dapat makipagtulungan saparaan, magbahagi ng impormasyon, at magkasamang maghanap ng mga solusyon.  

Halimbawa: Nag-alala ang isang transkasarian na lalaki ang kaligtasan dahil sa mga pagbanta sa laker na kuwarto ng lalaki sa kanyang gym.  Ang tagapamahala ng gym ay kumikilos laban sa mga nanggugulo, at naghanap  ng mga posibleng solusyon kasama ng kliyente, tulad ng mga pribadong kurtina sa lahat ng paligo at lugar ng palitan ng damit sa laker na kuwarto ng lalaki , o isahan paliguan at lugar ng palitan ng damit.  Pinagamit nila sa kanya ang mga pasilidad para sa tauhan hanggang nakahanap ng solusyon.  

Halimbawa: Ang isang transsexual na babae ay hindi pinahihintulutan gumamit ng banyo para sa mga babae sa kanyang lugar ng trabaho.  Ipinagtanggol ito ng kanyang tagapamahala at pinapaliwanag  pinahayag  ng ibang mga tauhan na hindi sila komportable.  Kailangan ng lugar ng trabaho na ito isang polisiya na malinaw na nagpapahayag na ang isang empleyado na transsexual ay may karapatan gumamit sa banyo na ito, habang nagbibigay pag-aaral sa paglutas ang mga alalahanin ng tauhan at maiwasan ang panliligalig at diskriminasyon sa darating na panahon.  

Halimbawa: Ang isang trans na babae ay tinanggalan ng kasuotan upang makapkapan ng lalaking pulis kahit na hiniling niyang ipagawa ang uri ng pagkapkap na ito sa mga babaeng opisyal. Sabi ng pulis na dapat isang lalaking opisyal ay kailangan kasali sa  pagkapkap dahil ang tao hindi pa inoperahan para sa sex reassignment .  Iniutos ng Human Rights Tribunal of Ontario na ang isang trans na tao na tatanggalan ng kasuotan upang makapkapan ay dapat bigyan ng tatlong opsyon: kumuha ng mga lalaking opisyal lamang; kumuha ng mga babaeng opisyal lamang; o kapkapin nang may kasangkot na lalaki at babaeng opisyal.

Ang pagpapanatiling pribado sa impormasyon

Ang isang tagapag-empleyo o isang tagapagbigay ng serbisyo ay dapat may balidong dahilan para mangolekta at gumamit ng personal na impormasyon, tulad ng mula sa lisensiya ng pagmamaneho o sertipiko ng kapanganakan, na tuwiran o hindi tuwirang naglilista sa kasarian ng tao na naiiba sa kanyang ginagamit na kasarian pagkakilanlan.  Dapat din nila siguraduhin ang pinakamataas na antas ng pagkapribado at pagiging lihim.  Ito’y umaaplay sa lahat ng mga kaso, kabilang ang mga tala at files sa trabaho, tala ng kompanya panseguro, medikal na impormasyon, atbp.

Para sa karagdagang impormasyon

Ang Polisiya sa Diskriminasyon at Panliligalig Dahil sa Kasarian Pagkakilanlan ng Komisyon ng mga Karapatang Pantao ng Ontario [Ontario Human Rights Commission] at ibang mga pahayagan ay makukuha sa www.ohrc.on.ca.

Upang gumawa ng reklamo ukol sa mga karapatang pantao – na tinatawag na aplikasyon – kontakin ang Human Rights Tribunal of Ontario sa:
Libreng Telepono: 1-866-598-0322
Libreng matatawagang TTY: 1-866-607-1240
Website: www.hrto.ca

Upang pag-usapan ang iyong mga karapatan o kung kailangan mo ng legal na tulong, kontakin ang Human Rights Legal Support Centre sa:
Libreng Telepono: 1-866-625-5179
Libreng matatawagang TTY: 1-866-612-8627
Website: www.hrlsc.on.ca
 

ISBN/ISSN
PRINT: 978-1-4435-8810-2 | HTML: 978-1-4435-8811-9 | PDF: 978-1-4435-8812-6
Attachments